^

Bansa

Mabuting relasyon ng Pinas at Japan pinagtibay

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling pinagtibay ng pagbisita ni Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba sa Pilpinas ang kooperasyon at mabuting relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Nagpahayag ng pasasalamat si Senator Francis “TOL” Tolentino sa Japanese leader sa kanyang pagdalaw sa bansa – isang ­indikasyon, ayon sa senador, ng ­patuloy na pagkakaibigan at kahandaan ng Japan na maging katuwang sa pag-unlad ng bansa at sa pagtatanggol sa ating seguridad at soberanya.

Dumating sa bansa si Prime Minister Ishiba noong Abril 29 para sa ­dalawang araw na pagbisita sa Pilipinas bilang bahagi ng kanyang paglilibot sa Timog ­Silangang Asya.

Inaasahang pag-uusapan ng Prime Minister at ng Pangulong Marcos ang mga isyung ­pang-ekonomiya at pang-seguridad sa pagbisita ng Japanes leader sa Malacañang.

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with