^

Bansa

Abalos: Tax exemption sa manggagawa taasan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa paggunita ng Araw ng Paggawa, nanawagan si dating DILG Secretary at tumatakbong senador Atty. Benhur Abalos Jr. na itaas ang income tax exemption para matulu­ngan ang mga manggagawang Pilipino sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Ayon kay Abalos, madadagdagan ang take-home pay ng mga manggagawa kung itataas ang tax exemption.

Noon pang 2018 naisabatas ang tax ­exemption kada taon para sa sahod na P250,000 pababa. Dapat na aniyang itaas ang tax exemption dahil sa inflation at mataas na gastusin sa araw-araw.

Ipinaliwanag ni Abalos na sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na nagsimula noong 2018, hindi pinapatawan ng buwis ang mga indibidwal na walang kinikita sa loob ng taon, mga minimum wage earners, at mga may taunang taxable income na hindi lalampas sa P250,000. Bukod pa rito, hindi rin binubuwisan ang 13th month pay at iba pang benepisyo na hanggang P90,000.

Naniniwala si Abalos na ang pagtataas ng exemption ceiling ay magbibigay ng agarang ginhawa sa mga manggagawang mababa at katamtaman ang kita.

Nangako siyang rerepasuhin ang umiiral na batas kung siya ay mahalal sa Senado.

 

TAX EXEMPTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with