^

Bansa

PAMILYA KO, pasok sa Top 15 ng Octa Research

Pilipino Star Ngayon
PAMILYA KO, pasok sa Top 15 ng Octa Research
Sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research nitong April 2025, nasa rank 12 ang PAMILYA KO Partylist — isang maagang senyales na malaki na ang tyansa na makakuha sila ng puwesto sa Kongreso.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patuloy na lumalakas ang suportang nakukuha ng PAMILYA KO partylist at kinikilala ang bitbit nitong adbokasiyang nagtataguyod sa karapatan ng bawat pamilya.

Sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research nitong April 2025, nasa rank 12 ang PAMILYA KO Partylist — isang maagang senyales na malaki na ang tyansa na makakuha sila ng puwesto sa Kongreso.

Ang mabilis na pag-angat ng grupo ay dala ng kanilang platapormang nakatuon sa isa sa mga nakakalimutang sektor sa lipunan: ang mga hindi tradisyunal na pamilya.

Mula sa mga single parent, blended families, LGBTQIA+ couples, adoptive families, hanggang sa mga lolo at lola na kumakalinga sa mga anak ng OFW, isinusulong ng PAMILYA KO ang mga makasaysayang reporma.

Kabilang sa mga prayoridad nilang panukalang batas: • Pantay-pantay na karapatan sa mana para sa lahat ng anak, anuman ang estado ng kasal ng mga magulang • Legal na pagkilala sa domestic partnerships, kabilang ang LGBTQIA+ unions • Isang pambansang balangkas sa surrogacy na nagpoprotekta sa mga magulang at surrogate mothers • Trauma counseling at mental health support para sa mga hiwalay na pamilya • Programang pangkabuhayan at karapatan sa guardianship para sa mga lolo’t lolang kumakalinga sa mga anak ng OFW Ang nagpapalakas sa PAMILYA KO ay ang mga nangunguna at pamunuan nito—mga nominado na mismo ay nagmula sa iba’t ibang anyo ng pamilya, kaya’t may dalang kredibilidad at tunay na karanasan sa kanilang adbokasiya.

“Ang aming plataporma ay nakatayo sa Tunay na Representasyon, May Puso, at May Isang Salita. Totoong bahagi ng lipunan ang mga hindi tradisyunal na pamilya.

Panahon na para kilalanin at protektahan sila ng batas,” pahayag ni Atty. Anel Diaz, nominado ng PAMILYA KO Partylist.

Naniniwala rin si Diaz na ang lumalawak na suporta at adbokasiya para sa PAMILYA KO ay senyales ng lumalaking panawagan para sa mas inklusibo at may malasakit na pamahalaan—patunay na sa makabagong Pilipinas, wala dapat maiwang pamilya.

PAMILYA KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with