Solid na suporta nakuha ni Bong Revilla sa Iloilo at Guimaras

MANILA, Philippines — Solidong suporta ang ipinakita ng mga pangunahing political leader sa Iloilo at Guimaras para kay Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa kamakailang pagbisita sa dalawang magkatabing lalawigan.
Sa Iloilo, mainit ang pagtanggap ni Governor Toto Defensor, kasama ang ilang mga alkalde ng lalawigan. Ipinahayag nila ang kanilang tiwala sa uri ng serbisyo publiko ni Revilla na inklusibo at tumutugon sa pangangailangan ng masa sa loob ng tatlong dekada. Sa kanilang pagpupulong, inilatag ni Revilla ang kanyang mga prayoridad na panukalang batas sakaling manalo muli sa Senado.
Isa sa mga pangunahing panukalang tinalakay ay ang pag-abolish ng provincial rate system sa minimum wage. Isinusulong ng senador ang mas makatarungan at patas na estruktura ng sahod.
Mainit din ang suporta ng mga residente na nag-abang sa kalsada sa isinagawang motorcade sa Iloilo City, na dumaan sa mga distrito ng Arevalo, La Paz, Mandurriao, Molo, Jaro, at City Proper.
“Naniniwala ako na wala dapat konsepto ng provincial rate. Hindi dapat mas maliit ang sahod sa probinsya kaysa sa Maynila. Kung ano ang minimum wage sa Maynila, ’yon din dapat ang minimum wage sa lahat ng probinsya,” diin ni Bong Revilla. “Hindi dapat may naiiwang rehiyon dahil pantay-pantay naman ang pagsisikap at pagpupursige ng ating mga kababayang manggagawang Pilipino,” dagdag pa niya.
Nangako siyang magtutulak ng mga batas sa Senado na mag-aanyaya ng pamumuhunan sa lokal na turismo, pang-imprastraktura sa rural development, connectivity, productivity na pawang lilikha ng trabaho, at magsusulong ng pangmatagalang kaunlaran.
“Napakayaman ng Iloilo sa kultura, kasaysayan, at ganda ng tanawin. Kailangan nating i-angat pa ang turismo para makalikha ng mas maraming kabuhayan para sa ating mga kababayan,” ani niya.
Sa Guimaras, opisyal siyang inendorso ni Governor JC Rahman Nava at Congresswoman Lucille Nava, kasama ang limang municipal mayor ng probinsya. Isang motorcade
Sa kanyang tuloy-tuloy na mensaheng “Aksyon sa Tunay na Buhay,” patuloy na lumalawak ang suporta kay Senador Bong Revilla—hindi lamang bilang beteranong mambabatas, kundi bilang isang lider na nakikinig at tumutugon sa pangangailangan ng bayan.
- Latest















