Mayor Abby, bet ni Governor Gwen sa Senado

MANILA, Philippines — Inindorso si senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia sa ginanap na One Cebu Northern Caravan and Proclamation of Candidates sa Compostela, Cebu noong Sabado.
Pinuri ni Gov. Gwen ang matapat na pamamahala at taos-pusong paglilingkod ni Mayor Abby habang kasalukuyan siyang alkalde ng Makati.
Sinabi naman ni Binay na nais niyang ibigay sa buong bansa ang mga benepisyo na natatamasa ng mga residente ng Makati.
Magiging prayoridad ni Binay sa Senado ang pagbigay ng libreng maintenance medicine lalo na sa senior citizens, better education system sa preschool level, at pag-alis ng tax sa overtime at bonus para sa better takehome pay ng mga manggagawa.
- Latest