^

Bansa

Transport groups, urban poor sinuportahan si Abalos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta ang mga grupo ng transportasyon at iba’t ibang organisasyon ng urban poor para sa kandidatura sa senado ni dating Interior Secretary Benhur Abalos Jr. Mahigit sa 300 lider at miyembro mula sa malalaking transport groups, kabilang ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, Inc. (LTOP Inc.), Stop and Go Transport Coalition, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), at Pasang Masda, ang nagtipon kamakailan upang ipahayag ang kanilang suporta kay Abalos.

Bukod sa kanyang karanasan bilang dating Kalihim ng DILG at alkalde ng Mandaluyong City, nagsilbi rin si Abalos bilang abogado para sa mga Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA).

Kamakailan, nakipagpulong si Abalos kay Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II upang hilingin ang mas mabilis na pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga TODA at jeepney drivers.

Samantala, pormal namang nagbigay ng suporta ang mga grupo ng urban poor sa ginanap na general assembly sa Taytay, Rizal noong Abril 4.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa ULAP (Ugnayang Lakas ng mga Apektadong Pamilya) NCR at Rizal, at iba pang grassroots organizations mula sa Metro Manila, Laguna, Rizal, at karatig-lalawigan.

Kabilang sa mga grupong ito ang Bahangunian (Laguna), Maharlika Homeowner’s Association – Taytay, Bagong Pag-asa Homeowners’ Association – Taytay, Samahang Magkakapitbahay ng Velederama Inc. (Maynila), Samahang Magkakapitbahay sa Juan de Moriones (Maynila), Nagkakaisang Mamamayan sa Pasong Putik (Quezon City), Samahan ng Maralitang Magkakapitbahay ng Delpan Island (Maynila), ULAP Dona Soledad Imelda Federation (Quezon City), Alliance of People’s Organization along Manggahan Floodway (Pasig), at iba’t ibang asosasyon mula sa Taguig, Montalban, at San Mateo.

BENHUR ABALOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with