^

Bansa

Magsasaka nagpasalamat kay Romualdez sa patubig

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Magsasaka nagpasalamat kay Romualdez sa patubig
Farmers in Pangasinan begin preparing their fields on January 2, 2025.
STAR/Andy Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang mga magsasaka kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kanyang patuloy na suporta sa mga mahahalagang programa ng patubig, kabilang na ang mga solar-powered pump irrigation projects (SPIPs).

Kanilang inihayag ang pasasalamat sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga benepisyong nagdudulot ng malaking pagbabago sa kanilang buhay sa National Congress of Irrigators’ Associations na ginanap sa Canyon Woods Resort sa Batangas, kamakailan.

Tiniyak ni Romualdez ang patuloy na suporta ng Kongreso sa pagpapalawak ng mga proyekto ng patubig, na alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang produksyon ng agrikultura at tiyakin ang seguridad sa pagkain.

Sa testimonya ni Rizalinda Cagalawan, farmer-irrigator mula sa Misamis Oriental, nagkaroon ng malaking pagbabago ang proyekto ng patubig sa kanilang kabuhayan.

Ipinahayag din ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo ‘Eddie’ Guillen ang pasasalamat ng mga magsasaka para sa suporta ng Kamara na pinamumunuan ni Romualdez.

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with