Lorna, nagpaka-pa sa apong si Tori

In-enjoy muna ni Lorna Tolentino ang magpaka-lola sa mga apo niya.
Pagbalik niya galing Amerika, aliw na aliw siyang naka-bonding ang dalawang apo niya kay Ralph Fernandez at ang baby boy ni Renz.
Kinarir na rin daw niya ang pagiging stage lola sa unang apo niyang si Tori na napakagaling kumanta.
Lumipad sila noong Huwebes ng gabi patungong Barcelona, Spain dahil may sasalihan si Tori na choir competition.
Bahagi si Tori sa choir ng kanyang school na lalaban sa Golden Voices of Montserrat.
Makikipag-compete sila sa Lloret de Mar na matatagpuan sa southern part ng Costa Brava na bahagi ng Barcelona. “Five days lang kami dun, mas mabilis pa sa biyahe namin.
“Okay lang, magpapaka-stage lola muna ako ngayon,” pakli ng grand slam queen.
Kaya wala muna siyang tinatanggap na guestings at meron pang offer na drama series, dahil mas type raw muna niyang maka-bonding ang mga apo niya at mag-personal assistant kay Tori.
Pinag-iisipan pa niya kung magso-soap ba siya pagkatapos niyang mag-Batang Quiapo.
May sisimulan naman siyang pelikulang inalok sa kanya ni Sylvia Sanchez na balak nilang i-submit sa Metro Manila Film Festival 2025.
Gloria Diaz, ayaw isulat sa libro ang buhay
Ngayong araw ise-celebrate ng kauna-unahang Pinay Miss Universe na si Ms. Gloria Diaz ang kanyang 74th birthday.
Tsinika niya ‘yan sa nakaraang media conference ng pelikulang Untold ng Regal Entertainment na pinagbidahan ni Jodi Sta. Maria.
Ang simple lang ng birthday wish ni Ms. Gloria na “Health, wealth, and time to spend it.”
Bilang Untold ang pelikula, balak kaya niyang gumawa ng libro at isiwalat doon ang buhay niyang hindi pa naibahagi? “No. Too many men, too little time,” diretso niyang sagot.
Para sa kanya, ang Miss Universe pa rin ang number one, pero ibang-iba na raw ngayon. “The Miss Universe now, I think… basta iba, iba na talaga. They made it more, how do you say that? Inclusive, hindi ba?
“Even if you’re a mother with a kid… I think there’s no age limit na ngayon. You can be a man, you can be whatever.
“But I’m not really for that. Kasi Miss Universe should be mga ganun, 18 to 25, 26 [years old].
“So parang naninibago ako. But I try to adjust, kasi marami namang magagandang 28 years old, ‘no. Pero I’m not crazy about you know all the changes that’s happening. And of course like I said, I always wanted to speak in their language, whatever they’re comfortable… “I’m not impressed to those big words na diaspora, serendipity. Parang balewala naman ‘yan sa akin. Hindi ba?” sabi pa ni Ms. Gloria Diaz.
VMX star Robb Guinto, lagare!
Dumidikit na at lumalaban na ngayon mga primetime shows ng GMA 7 sa malalakas na series ng Kapamilya channel.
Nung Miyerkules ay nag-double digit na ang Lolong na naka-10.7 percent ito, at ang Ang Batang Quiapo ay 15.4 percent.
Ang Mga Batang Riles naman ay naka-9.4 percent.
Maraming nabago sa Lolong na kung saan ipinasok ang dating taga-Ang Probinsyano na sina Rowell Santiago, Tessie Tomas at Ketchup Eusebio.
Sa Mga Batang Riles naman ay ipinasok sina Paolo Contis, Alex Calleja at Robb Guinto.
Kapansin-pansin ang sunud-sunod na appearance ni Robb sa mga programa ng GMA 7.
Bukod sa Mga Batang Riles, regular na rin pala siya sa Pepito Manaloto, guest din sa Bubble Gang at nasa Amazing Earth din siya kagabi.
Ang bongga ng VMX star na mukhang rater ito.
- Latest