^

Bansa

Philippines mission sa Panatag Shoal hinarang ng China

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Muling nagpamalas ng puwersa ang China nang iligal na harangin ang Philippine patrol at resupply mission at itinaboy ang mga mangingisdang Pinoy sa Panatag Shoal o kilala rin bilang Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal, noong Linggo.

Noong Marso 23, apat na barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at dalawang Philippine Coast Guard ang tumulak para sa isang maritime patrol at resupply mission sa Panatag, na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas at Marso 24 nang mamataan ang isang barko ng China at sinundan pa ng paglutang umano ng iba pang warship ng China.

Sa una ay hindi naman umano nagkaroon ng radio challenges mula sa warship ng China ­subalit sapat nang paghahamon ang kanilang presensya at ang nakitang mga sakay ng inflatable boats na China Coast Guard na pinipigilang makalapit sa mga barko ng BFAR ang mga mangingisda.

Ayon sa PCG, magkatapat ang Chinese floating assets ng mga barko ng Pilipinas sa tinatayang 28 nautical miles mula sa Panatag Shoal at doon nagkaroon ng radio challenges.

Isa sa floating assets ang CCG vessel 5303 na sumirena ang bumasag sa anim na oras na standoff.

Sa gitna ng malakas na sirena, nagpakalat ang CCG ng tatlong inflatable boast na kargado ng mga tauhan.

Gayunman, sinabi ni PCG spokesman for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na naging matagumpay naman ang BFAR at PCG sa pagbibigay ng seguridad at pagdala ng suplay na pagkain, gas, at iba pang pangangailangan ng mga mangingisda.

Dalawang malalaking barko ang humarang na hindi makalapit ang mga barko ng Pilipinas malapit sa Panatag Shoal.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with