Kamara humirit ng kuwarto sa Senate building

MANILA, Philippines — Pormal na hiniling ng Kamara sa Senado na maglaan ng silid para sa Public Prosecution Panel at support staff nito na naghahanda na para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ang sulat ni House Secretary General Reginald Velasco kay Senate President Francis Escudero ay may petsang Marso 5, 2025.
Sinabi ni Velasco na ang silid ay gagamitin bilang holding at working area ng House prosecutors at House Secretariat Support Group (SSG) hanggang sa matapos ang impeachment trial.
Nais din ni Velasco na ma-inspeksyon ang itatalagang kuwarto upang masiguro na angkop ito sa pangangailangan ng prosecution team.
“We request that we be allowed to conduct an ocular inspection on March 11, 2025, of the room to be assigned to determine how it will be set up to provide a comfortable and convenient working environment for the Public Prosecutors and the SSG,” dagdag pa ni Velasco.
Natanggap ng Senado ang sulat noong Marso 6.
- Latest