^

Bansa

Consumer group kinalampag ang Senado sa anti-online piracy measures

Philstar.com
Consumer group kinalampag ang Senado sa anti-online piracy measures
Sinabi ng Intellectual Property Office of the Philippines na dahil sa online piracy, ang bansa ay nawalan ng $781 million noong 2022 at kapag patuloy na hindi inaksiyunan, ang revenue loss ay aabot sa  $1 billion. 
File

MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang consumer group sa Senado na bilisan ang pagsasabatas sa anti-online piracy bill, na itinuturing ng grupo na kagyat na alalahanin sa patuloy na pag-evolve ng teknolohiya.

"Nakapanlulumo ang patuloy na pagkakabimbin ng mga panukalang batas sa Senado na may layuning protektahan ang ating mga artista, manlilikha, at mamimili mula sa mga mapanlinlang at ilegal na operasyon sa internet," pahayag ni Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3) Convenor Atty. Karry Sison.

Dalawang bills — Senate Bill Nos. 2150 at 2385 — na tumutukoy sa site blocking ang nakabimbin sa Senado. Ang nga bills na ito ay naglalayong amyendahan ang Intellectual Property Code of the Philippines.

Matagal nang nananawagan ang creative industry stakeholders na aprubahan ang bills sa gitna ng walang humpay na paglabag sa intellectual property rights na nagdulot ng malaking pagkalugi sa industriya at sa gobyerno.

"Matagal nang hinihiling ng mga apektadong sektor ang pagpapatupad ng site blocking upang pigilan ang mga website na patuloy na kumikita mula sa ipinagbabawal na distribusyon ng mga pelikula, musika, at iba pang likhang sining," sabi ni Sison.

Nauna rito ay sinabi ng Intellectual Property Office of the Philippines na dahil sa online piracy, ang bansa ay nawalan ng $781 million noong 2022 at kapag patuloy na hindi inaksiyunan, ang revenue loss ay aabot sa  $1 billion. 

Bukod sa revenue loss, nagpahayag din ng pagkabahala ang grupo sa digital security threats tulad ng scams at cyberattacks na patuloy na lalaganap kapag hindi pa rin tinugunan ang online piracy. 

"Ngunit hindi lang ito tungkol sa sining at kita. Ang online piracy ay may mas malalim pang epektoc — naglalagay ito sa peligro sa ating digital na seguridad," ani Sison.

"Maraming Pilipino ang hindi nakakaalam na sa bawat pagbisita nila sa mga website ng piratang nilalaman, ibinubukas nila ang kanilang sarili sa malware, phishing, at iba pang cyber threats na maaaring magdulot ng pagnanakaw ng kanilang personal na impormasyon. Isa itong seryosong banta na hindi maaaring ipagsawalang-bahala." 

Binanggit ng grupo na bumaba ang kaso ng online piracy sa Indonesia at  South Korea makaraang ipatupad ng mga bansang ito ang katulad na site blocking bill.

PIRACY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with