^

Bansa

Ang bumbero ng Pilipinas umangat sa Top 14

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umangat na sa ika-14 na pwesto ang Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party List batay sa isinagawang survey ng isang market research company para sa 2025-Pre Election Preferential Survey. Nakakuha ng 1.68% ang ABP mula sa 2,400 mobile based respondents na may 196 % margin of error at 95% confidence level gamit ang Stratified Sampling Quote, na isinagawa mula Pebrero 11-14, 2025.

Kumakatawa ang ABP sa mga bumbero, fire volunteers at rescuers kung saan first nominee si Jose Antonio " Ka Pep' Goitia" kasama sina Lenin Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Antonio Goitia, Carl Gene Moreno Plantado at Howie Quimzon Manga. "Tuloy ang laban para sa mas ligtas, mas handa at mas protektadong Pilipinas," buong giting na sinabi ni Goitia habang nagpapasalamat sa suporta at tiwala na ibinibigay ng taumbayan sa kanilang grupo upang makapaglingkod sa mamamayang Pilipino hindi lamang sa oras na may sunog maging sa mga oras na sumusuong sa matititnding kalamidad ang Pilipinas. Ani Goitia, bukod sa prayoridad na mabigyan ng boses sa Kongreso ang mga bumbero, fire rescuers at fire volunteers, kapakanan din ng mamamayan ang kanilang ipinaglalaban hindi lang sa insidente ng sunog, kungdi sa panahon ng kalamidad, para makapagligtas, magbigay pinansyal at medical na tulong hanggang sa liblib na lugar. Ang ABP party list ay isa sa 155 party list organization na nagnanais magrepresenta sa marginalized sector ng lipunan sa Mababang Kapulungan sa darating na elekyon sa Mayo 2025.

ABP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with