^

Bansa

Volunteer groups suportado si Aquino

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kahit weekend, nagsagawa pa rin ang mga kabataang volunteers na sumusuporta kay dating Senador at independent senatorial candidate Bam Aquino ng iba’t ibang aktibidad para mapalakas ang kanyang kampanya para sa darating na halalan sa Mayo.

Nagsagawa ang mga miyembro ng Kaya Natin Youth, Robredo People’s Councils, at iba pang vo­lunteer groups ng Palengke Runs, silkscreen T-shirt printing, Trompa Runs, postering, leafleting, at iba pang aktibidad sa Nueva Ecija, Quezon, Olongapo City, Negros Oriental, at Laguna.

Mayroon ding katulad na mga pagkilos sa mga lungsod ng Pasay, Valenzuela, Pasig, at Caloocan sa National Capital Region (NCR). Mainit ding tinanggap ng mga residente ng Isabela, Davao del Sur, General Santos City, at Davao City ang mga tagasuporta ni Aquino, at binigyang-diin na ang mga isyung kanyang isinusulong—tulad ng trabaho at edukasyon—ay mahahalagang usapin hindi lamang sa pambansang lebel kundi pati na rin sa kanilang mga lokal na komunidad.

“Hindi lang sa Metro Manila problema ang edukasyon at trabaho kundi pati rito sa aming lugar. Mahalaga rin sa amin na makatapos sa kolehiyo ang aming mga anak at magkaroon ng magandang trabaho,” sabi ni Manny Paronda ng Davao City.

Bukod sa pagpapalawak ng Free College Law, nangako rin si Aquino na lalabanan ang korapsyon sa sektor ng edukasyon kapag nanalo bilang senador sa darating na Mayo.

MAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with