Kandidatura ni Dr. Willie Ong, pormal nang iniurong

MANILA, Philippines — Pormal nang binawi ng social media personality na si Dr. Willie Ong ang kanyang kandidatura sa pagka-senador para sa May 12, 2025 National d Local Elections (NLE).
Mismong ang kanyang maybahay na si Dra. Liza Ong ang personal na nagtungo sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) kahapon ng umaga upang isumite ang statement of withdrawal of candidacy ni Ong.
Matatandaang kahit may sakit na kanser ay nagpasya si Ong na maghain ng kandidatura sa pagka-senador para sa midterm polls.
Gayunman, kamakailan ay inianunsiyo ni Ong na aatras na siya sa pagtakbo sa halalan upang matutukan na lamang ang kanyang kalusugan.
Dahil nasa ibang bansa at nagpapagamot, hindi naman kaagad naihain ni Ong ang kanyang statement of withdrawal ng kanyang COC.
- Latest






















