Digitalisasyon, susi vs katiwalian

MANILA, Philippines — Naniniwala si senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos Jr., na full digitalizaton at pagsasaayos ng mga proseso sa gobyerno ay mahalaga upang mapigilan ang katiwalian sa bansa.
Bilang dating mayor ng Mandaluyong City, alam ni Abalos kung paano manipulahin ng ilang tiwaling kawani ng gobyerno ang mga transaksyon upang mailipat ang pondong dapat ay para sa gobyerno patungo sa kanilang sariling bulsa.
“Ako ay naniniwala na ang full digitalization napaka-importante n’yan. Kasi kung meron tayong full digitalization, wala na, nabawasan na ang human intervention. Gamitin mo na lang ang telepono mo. Mas konti ang human intervention, mas mababawasan ang korapsyon dahil online na rin ang pagbabayad,” ani Abalos.
Bukod sa full digitalization, dapat na paikliin ang mga proseso sa mga transaksyon ng gobyerno upang mahikayat ang mas maraming lokal at dayuhang negosyante na mamuhunan sa bansa.
Posible umano itong maisakatuparan dahil nagawa niyang ipatupad ang mga reporma sa polisiya na nagpabilis sa proseso ng pagkuha ng business permit mula sa tatlong araw noon, hanggang sa ilang minuto na lamang ngayon noong siya ay alkalde ng Mandaluyong City.
- Latest