^

PSN Opinyon

INC rally, pro Sara na pro BBM pa

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HALOS dalawang milyon umano ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC) ang dumalo sa tinawag nilang “peace rally” na ginanap sa iba’t ibang dako ng bansa. Kung tutuusin, ito ay pagtutol sa planong impeachment upang mapatalsik si VP Sara Duterte sa puwesto dahil sa mga usaping batid na ng lahat.

Batay sa surveys, mas nakararaming Pilipino ang pumapabor sa pag-impeach kay Sara matapos ang quad committee hearing ng Mababang Kapulungan kung saan hindi maipaliwanag ni Sara ang paggastos niya sa kuwes­tiyonableng confidential funds nang siya ay Education Secretary pa.

Pinagmumura pa ni Sara at binantaang papatayin sina President Bongbong Marcos Jr., First Lady Lisa Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Ang ganitong asal ng isang mataas na opisyal ay hindi katanggap-tanggap sa mga Pilipino. Kaya ang nagdaang hearing ng quad comm ay isang panggising sa mga Pilipino upang makilala ang tunay na ugali ni Sara na sa tingin ko ay masahol pa sa tatay niya.

Pero si Presidente Bongbong mismo ang nagsabing pag-aaksaya ng oras ang anumang impeachment at ‘di na dapat ituloy. Kaya ang rally ay tinawag ng INC na bilang suporta sa gusto ni Marcos.

Sa tingin nang marami, naduwag si Bongbong sa pag­pigil sa impeachment. Alam niya na may masamang epekto ito sa kanyang liderato. Kapag hindi nagtagumpay dahil sa rami ng supporters ni Sara sa Senado, baka siya pa ang maalis sa tungkulin.

Para sa akin, maging magulo man ang konsekwensiya, dapat pa ring ituloy ang impeachment dahil sa pag-uugali ng mga Duterte na napatunayan na natin, hindi sila dapat ilagay sa tugatog ng kapangyarihan.

RALLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad