Nananakit bago makipagtalik
Dear Dr. Love,
Mabait naman ang mister kong si Dado. Responsable at maaruga sa pamilya. Tawagin na lang po ninyo akong Marta, 32 anyos at may dalawang anak.
Ang mister ko ay isang karaniwang emple-yado sa isang government office.
Wala siyang bisyo at ang buong sahod niya ay iniintrega sa akin at ako na lang ang nagbibigay sa kanya ng allowance niya.
Pero habang nagtatagal ang aming pagsasama, may napansin akong kakaiba sa kanya. Sinasaktan niya muna ako sa pamamagitan ng pagsampal at kung anong masasakit na salita ang sinasabi sa akin, na ako raw ay may lalaki.
Tinatanong pa akong pilit kung masarap kalaro sa kama ang lalaki ko.
Kapag ayaw kong sumagot ay pinagsasasampal ako at kapag ako’y umiyak na, hihingi siya ng sorry.
Hahagkan ako at doon pa lang siya makiki-pagtalik sa akin.
Hindi ako nasisiyahan sa ginagawa niya pero pinagbibigyan ko na lang siya at inuunawa. Hindi naman malakas ang mga sampal niya sa akin pero mas masakit ang ginagawa niyang pagbibintang dahil walang katotohanan.
Kinausap ko na siya sa bagay na ito at pati siya ay hindi raw maunawaan ang sarili.
Hindi raw niya ako gustong saktan kaya mahina lang ang bawat sampal niya sa akin na halos dampi lang ng kanyang palad sa aking pisngi.
Mababago pa ba ang gawing ito ng aking asawa? Ano po ang maipapayo ninyo?
Marta
Dear Marta,
May psychological disorder ang asawa mo. Nangangailangan siya ng professional help ng isang clinical psychologist o psychiatrist.
Maraming kasong katulad ng sa mister mo na hindi nasisiyahan sa basta pakikipagtalik na lang. Kailangan munang pagbuhatan ng kamay ang kanilang partner.
Mabuti na lang at bumabawi siya sa pagiging ulirang padre de pamilya.
Pero hindi nanga-ngahulugan na palalampasin mo na lang ang maling ginagawa niya, kahit pa ito’y dala ng isang kapansanan sa pag-iisip.
Ang karamdaman, pisikal man o sa psychological ay dapat ipagamot sa dalubhasa.
Ikonsulta mo siya sa isang psychiatrist na makakatulong sa paglutas sa kanyang problema.
Dr. Love
- Latest