^

Bansa

Bong Go: ‘Di dapat nagmamakaawa mga pasyente

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Binigyang-diin ni Senator Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng pagpapabilis ng tulong ng gobyerno para sa mahihirap na pasyente sa pag-aalis sa mga buru­kratikong hadlang kung saan kinakailangan pang bumisita sa iba’t ibang tanggapan para lamang makahingi ng tulong-medikal.

Ipinaliwanag ni Senador Go na may malaki pa ring kakulangan sa tulong para sa mga pasyente.

Binanggit niya na kapag may nagkakasakit, ang pinansiyal na pasanin ay kadalasang lumalampas sa halagang sakop ng PhilHealth.

Dahil dito, ang mga pasyente ay madalas na buma­baling sa ibang ahensya para magmakaawa sa tulong ngunit kinakapos pa rin.

Sa kabutihang palad, sa pagkakaroon ng Malasakit Centers, ay mayroon na silang maaasahang pasilidad na nalalapitan para sa tulong.

Sa pagdinig ng Senate committee on health na pinangu­nahan ni Go, kinumpirma ni DSWD Assistant Secretary Ulysses Aguilar na gumawa ang ahensya ng mga hakbang upang maisama ang mga serbisyo nito sa Malasakit Centers.

“Sa ngayon po, bukod sa transportation at sa food assistance na naibibigay po natin sa mga lumalapit po sa atin sa Malasakit Center, nakakatulong din po kami sa medical assistance sa kanila,” paliwanag ni Aguilar.

Binigyang-diin niya na dapat ay tuluy-tuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga pasyente, lalo sa panahon ng Kapaskuhan.

Nilinaw ni Assistant Secretary Aguilar na habang ang cut-off ay nalalapat sa guarantee letters dahil sa taunang proseso ng clearing para sa mga pagbabayad, hindi na­ngangahulugang hihinto ang tulong medikal ng ahensya.

CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with