^

Bansa

Pangulong Marcos nilagdaan batas sa Mental Health, Well-Being ng mga estudyante, guro

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos nilagdaan batas sa Mental Health, Well-Being ng mga estudyante, guro
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Basic Education Mental Health and Well-being Promotion Act na layuning gawing institusyon ang mental health at well-being program para sa basic education learners gayundin sa teaching at non-teaching personnel sa pampubliko at pribadong mga paaralan.

Sa naturang batas, magkakaroon na ng serbisyo para sa mental health, emotional developmental at preventive interventions at iba pang support services at kasabay nito upang maalis ang stigma o maling impresyon sa mental health counselling.

Nais din masiguro ng bagong batas na ang mga estudyante at mga guro ay emotionally at mentally “equipped to excel” sa gitna ng mga bagong hamon sa buhay.

Ayon pa sa ­Pangulo, sa bagong batas ay pinapayagan ang mga eskwelahan na maging “sanctuaries of learning and of well-being”.

Sa ilalim din ng nasabing batas, magkakaron ng mga Care Centers sa bawat pampublikong paaralan na pamumunuan ng isang School Counselor kung saan sila ang magbibigay ng mga workshop sa pagpapatayo at papamahala ng stress.

Tinukoy din ni Pangulong Marcos ang batas bilang urgent dahil sa kung paano nagiging hamon ang mental health na nagdudulot sa pagkawala ng P16 trilyon pagsapit ng 2030 sa buong mundo.

Sa ilalim din ng bagong batas, itinatakda ang pagtatatag ng bagong plantilla positions para sa school counselors.

HEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with