^

Bansa

‘Mr. Superman’ handang sumabak muli sa QC 4th District

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “May choice ka!” Ito ang mariing sinabi ni dating House Committee on Human Rights Chairman at tinaguriang "Mr Superman" Atty. Jesus “Bong“ Suntay na tinanggap ang hamon ng kaniyang mga supporters na muling sumabak sa serbisyo publiko bilang kinatawan ng ika-apat na distrito ng Quezon City kaugnay ng gaganaping May 2025 midterm elections. “After thinking about it, after hearing the cry ng aking mga ka-distrito, na nagsasabi na sana tumakbo ulit ako, dahil ngayon nga ayuda lang ang programang naibibigay, hindi pa naibibigay sa lahat, nasabi ko na there is a need na ma-correct ito,” sabi pa ng dating mambabatas, na nagsilbi ring Deputy Majority Leader ng Kamara. Si Suntay ay kumakandidato sa ilalim ng United National Alliance (UNA) Party na makakatunggali ng incumbent Quezon City 4th District Rep. Marvin Rillo na isang reelectionist. Ayon kay Suntay, bagaman komportable na ang kaniyang buhay bilang isang negosyante ay nais niyang ipagpatuloy ang serbisyo publiko sa kaniyang mga ka-distrito. ‘Yung aking pagtakbo ay para may choice ang tao, choice for a better future for everyone. Napakaimportante sa akin na mayroon silang mapagpipilian. The best thing for our constituents is to weigh the tale of the tape. Tingnan nila ano yung kwalipikasyon, ano yung accomplishments (kandidato)”, ani Suntay. Dismayado si Suntay na sa kasalukuyan, ang naipagmamalaki lamang na programa para sa mga mamamayan ng Quezon City 4th District ay ang pagbibigay ng ayuda, na bukod sa ito’y galing sa national government ay hindi pa tunay na naibibigay sa mga nangangailangan. Ibinida ni Suntay na noong panahon ng kanyang panunungkulan ay nagawa niyang maitaas ang bed capacity ng East Avenue Medical Center (EAMC) mula 400 ay naging 1,000 ito bukod pa sa pagkakaroon nito ng dagdag na health, medical at non-medical personnel gayundin ang pagpapahusay sa operasyon ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI), na bukod sa nagbigay ng malaking kapakinabangan sa mga residente ng Quezon City 4th District at nakatulong din sa iba pang pasyente mula sa iba’t-ibang lugar. Sa kanyang pagbabalik, sinabi ni Suntay, tinaguriang “Mr Superman” ng kaniyang mga supporters na sakaling palaring magwagi sa halalan ay ipinatupad niya ang mga sapat na programa at proyekto sa larangan ng kalusugan, edukasyon, imprastraktura at pangkabuhayan sa ikaapat na distrito ng lungsod.

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with