^

Bansa

‘Leon’ Super Typhoon na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
‘Leon’ Super Typhoon na
Alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ng bagyo ay namataan ng PAGASA sa layong 350 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 185 km bawat oras at pagbugso na 230 km bawat oras.
PAGASA

MANILA, Philippines — Isa nang super typhoon ang bagyong Leon na nagbabanta sa extreme Northern Luzon, lalawigan ng Quezon at Bicol.

Alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ng bagyo ay namataan ng PAGASA sa layong 350 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 185 km bawat oras at pagbugso na 230 km bawat oras.

Si bagyong Leon ay naging isang super typhoon nang lumapit sa Batanes.

Dahil dito, nakataas ang signal ng 3 sa Batanes, eastern portion ng Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan.

Signal number 2 sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, northern at eastern portions ng Isabela, Apayao, Kalinga, northern at eastern portions ng Abra, eastern portion ng Mountain Province at Ilocos Norte.

Signal number 1 sa nalalabing bahagi ng ­Isa­bela, Quirino, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng ­Mountain Province, Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng Abra, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, northeastern portion ng Tarlac, northern portion ng Bulacan, northern portion ng Quezon kasama na ang Polillo Islands, Camarines Norte, northern portion ng Camarines Sur at ­northern at eastern portions ng Catanduanes.

Ngayong Huwebes, si Leon ay inasahang kikilos pahilagang kanluran sa Philippine Sea hanggang sa mag-landfall sa eastern coast ng Taiwan at saka hihina.

Araw ng Biyernes, November 1, ang bagyong Leon ay nasa labas na ng PAR.

vuukle comment

NORTHERN LUZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with