^

Bansa

Simbahan kay VP Sara: ‘Irespeto mo ang patay’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Simbahan kay VP Sara: �Irespeto mo ang patay�
Vice President Sara Duterte attends her office's first budget hearing with the House appropriations committee on August 28, 2024.
House of Representatives / Release

MANILA, Philippines — Kawalan ng respeto sa patay ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte nang sabihin nitong huhukayin niya ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at isasaboy sa West Philippine Sea kung magpapatuloy ang mga pag-atake laban sa kanya.

Ayon kay Fr. Joel Saballa ng Diocese of No-valiches, mahalaga ang pagpapakita ng respeto at paggalang sa mga labi ng yumao, alinsunod sa mga turo ng Simbahang Katoliko.

Ani Saballa, ang anumang pagpapahayag na nagtataguyod ng mga hakbang tulad nito ay hindi makakatulong sa pag­pa­panatili ng pagkakaunawaan at respeto sa lipunan.

Payo ni Saballa kay VP Sara na mahalaga ang pagpapanatili ng dignidad at respeto, hindi lamang sa mga nabubuhay kundi pati na rin sa mga namayapa, lalo na sa kontekstong ito na may kinalaman sa isang dating pinuno ng bansa.

Ipinunto rin ni Saballa, ang kahalagahan ng mapayapang pag-uusap at hindi ang mga patutsada .

Nanawagan din si Saballa na balikan ang mga aral ng Simbahan ukol sa malasakit, pagpapatawad at paggalang sa dignidad ng bawat isa.

vuukle comment

PRESIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with