^

Bansa

2-party system dapat ibalik

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para mapataas ang antas at kalidad ng mga kandidato na tumatakbo para sa iba't ibang posisyon sa gobyerno, isinusulong ni dating Deputy Speaker at BUHAY Partylist Lito Atienza ang pagbabalik ng two-party system.

Ayon kay Atienza, ang kalidad ng mga kandidato ay patuloy na bumababa sa paglipas ng mga taon,

kaya nagreresulta angmga halalan na nagiging higit na isang popularity contest kaysa pagpili ng pinaka-kwalipikadong tao para sa trabaho.

Kaya kung mabibigyan aniya ng pagkakataong muling magsilbi sa Kongreso bilang Representative ng BUHAY Partylist, sinabi ni Atienza na prayoridad niyang magsumite ng panukalang batas na nagtutulak para sa pagbabalik ng two-party system.

"Nung nag-umpisa ako sa politika, dalawa lang ang partidong pinagpipilian—Liberal Party at Nacionalista Party.

Lahat ng gustong kumandidato sa iba-ibang position ay kailangan miyembro ng isa sa dalawang partidong ito.

Lahat sila ay dumadaan sa mahigpit na proseso ng pagsusuri kung sila ay qualified na tumakbo.

Nakakalungkot isipin na ito ay napalitan ng umiiral na Multi-Party system o No-Party system na lahat na lang ng gustong maging kandidato ay maaaring magtayo ng sariling partido at tumakbo sa posisyon na gusto nila,” pahayag pa ni Atienza Pandesal Forum sa Kamuning Bakery.

Si Atienza, na nagsilbi bilang Congressman ng BUHAY ng tatlong magkakasunod na termino mula 2013 hanggang 2022, ay nagsusulong ng good governance, pagsusulong ng kultura ng buhay sa pamamagitan ng paglaban sa mga anti-life measures tulad ng death penalty, diborsiyo, at same-sex marriage.

BUHAY PARTYLIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with