^

Bansa

‘Wag matakot sa gastos sa sakit, sagot ka ng PhilHealth — Ledesma

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Wag matakot sa gastos sa sakit, sagot ka ng PhilHealth � Ledesma
Ito ang inihayag ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr. kasabay ng ginawang ­paglulunsad ng PhilHealth ng mas pinalawak at mga bagong benepisyo.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Sa panahon ng mga hamon ng kalusugan, ang PhilHealth ay nananatiling kaagapay ng bawat Pilipino sa pagharap sa mga gastusing medikal.

Ito ang inihayag ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr. kasabay ng ginawang ­paglulunsad ng PhilHealth ng mas pinalawak at mga bagong benepisyo.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na palakasin ang sistema ng kalusugan sa bansa, dinagdagan ng PhilHealth ng hanggang 50 porsiyento ang benepisyo sa mga sakit na karaniwang nakakaapekto sa mga Pilipino kabilang dito ang pneumonia, severe dengue, stroke, chronic kidney disease, asthma, sepsis, ischemic heart ­disease, cataract at  hemodialysis.

Bago matapos ang taon ay sakop na din ng PhilHealth benefit ang chemotherapy para sa ilang cancers kabilang ang lung, liver, ovary at prostrate.

“This move aims to protect families from falling into poverty due to medical expenses,” pahayag ni Ledesma.

Ipinagmalaki ni Ledesma na hanggang 2026 ay nakalatag ang pondo para sa benefit package para mga Pilipino kaya walang dahilan para hindi magpakonsulta at magpa-confine.

Ipinagmamalaki rin ng PhilHealth na ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asia Pacific na nag­lunsad ng isang outpatient therapeutic care package para sa Severe Acute Malnutrition na sinimulan nang ipinatupad noong Oktubre 1,2024.

Nasa P7,500 halaga ng malnutrition package ang maaaring matanggap ng mga sanggol na edad 0 hanggang 6 buwan gulang habang P17,000 sa mga may edad 6 na buwan hanggang 5 taon.

Layunin ng benepisyong ito na labanan ang malnutrisyon sa mga bata at bawasan ang pasaning pinansyal ng mga pamilyang apektado nito.

Bilang karagdagan, inalis na rin ang patakaran sa Single Period of Confinement (SPC) upang matulungan ang mga miyembrong nangangailangan ng tuluy-tuloy na gamutan.

Tataas din ng 59% ang benepisyo para sa ­hemodialysis mula P4,000 ay magiging P6,350 kada dialysis na simulang mararamdaman ng mga pasyente simula Nobyembre.

Dahil dito ay aabot na sa halos P1 milyon kada taon ang benepisyo sa bawat dialysis patient na makakatanggap pa rin ng kabuuang 156 dialysis treatment kada taon.

Sinabi ni Ledesma na pinalawak din ang programang “Konsulta” na nagbibigay ng libreng konsultasyon, diagnostic tests, at mga gamot.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with