^

Bansa

Alice Guo pinahaharap ng korte sa Senado sa Lunes

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbigyan ng Branch 109 ng Regional Trial Court sa Capas, Tarlac ang kahilingan ni Sen. Risa Hontiveros na paharapin sa imbestigasyon ang nadismis na mayor ng Bamban na si Alice Guo.

Sa kautusan na ipinalabas ni Presiding Judge Sarah Veraña - Delos Santos, inatasan ang PNP-Custodial Center na dalhin si Guo sa Senado para dumalo sa public hearing.

“Wherefore, the accused Alice Guo alias “Guo Hua Ping” is allowed to attend the scheduled public hearing…provided that strict security protocols be observed,” nakasaad sa kautusan.

Sinabi rin ni Delos Santos na pinagbibigyan ang kahilingan ni Hontiveros dahil sa “critical importance” ng isinasagawang imbestigasyon.

Nauna rito, sumulat si Hontiveros sa korte matapos mapagdesisyunan na ikulong si Guo sa Custodial Center ng PNP sa halip na sa detention facility ng Senado.

Iginiit ni Hontiveros na kung tutuusin ay dapat dinala na agad si Guo sa Senado matapos ang proseso sa National Bureau of Investigation (NBI) at PNP dahil ang Senado ang unang nagpalabas ng arrest warrant laban sa dating mayor.

Ayon pa kay Hontiveros, ang Sandiganbayan dapat ang may hawak ng kasong katiwalian ni Guo na isang dating mayor.

Kinuwestiyon ni Hontiveros ang tila pakikipag-agawan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa kostudiya ni Guo.

“Napaka-iregular ng mga nangyari. We will get to the bottom of who is orchestrating all this circus and wild goose chase,” ani Hontiveros.

TRIAL COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with