^

Bansa

Inflation bumagal sa 3.3%

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Inflation bumagal sa 3.3%
Vegetable products are on display for sale in Pasig Mega Market on July 31, 2024.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng pagbagal ang inflation o ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin noong nagdaang buwan ng Agosto ngayong taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo lang sa 3.3 percent ang inflation, mas mababa ito sa 4.4 percent noong nagdaang Hulyo.

Ayon pa sa PSA, bumagal ang pagtaas ng presyo ng pagkain at transportasyon kaya bumagal ang inflation.

Mas mababa rin ang 3.3% na naitala noong Agosto kumpara sa 5.3% noong Agosto 2023.

Ang food inflation ay nasa 3.9% noong Agosto, mas mababa sa 6.4% noong Hulyo.

Bumagal din ang rice inflation sa 14.7% mula sa 20.9% noong Hulyo at bumagal din ang transport inflation sa -0.2 percent mula sa 3.6% noong Hulyo.

INFLATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->