NTF-ELCAC ikinatuwa hatol ng korte sa pangongotong ng CPP-NPA
MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang hatol ng korte sa isang opisyal ng CPP-NPA-NDF sa Western Visayas na napatunayang sangkot sa pangongotong upang mapondohan ang kanilang samahan.
Ayon kay Undersecretary Ernesto C. Torres Jr., Executive Director ng NTF-ELCAC, indikasyon lamang na tagumpay ang pamahalaan laban sa terorismo.
Setyembe 2, 2024, nang ibaba ng Regional Trial Court Branch 2 ng Kalibo, Aklan ang hatol nito laban kay Ian Arevallo y Inson, alias “Prince Egodas y Giganto,” “Mac-Mac,” at “Brince Gegodas y Gilbaliga,” na umaming kasapakat siya sa ‘terror financing scheme” ng CPP-NDF-NPA.
“Ito ay isang landmark conviction, na may matibay na mensahe ba ang paglilikom ng pondo para sa terorismo ay walang puwang sa ating lipunan. Ito rin ay pagpapakita na lahat ng Filipino ay tinututukan ang lahat ng uri ng panggugulo sa kapayapaan at kasiguruhan ng bansa,” ani Torres.
Nabatid na miyembro ng Komiteng Rehiyon Panay si Arevallo “taxation unit,” upang makapangikil ng pondo sa mga negosyante, contractors at mga politiko sa Panay Island at iba pang bahagi ng Western Visayas.
- Latest