^

Bansa

Mga barko dapat binili ‘di missiles – Koko

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mga barko dapat binili �di missiles � Koko
Naniniwala si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na hindi dapat binuhusan ng pondo ang pagbili ng missiles na hindi naman basta-basta magagamit ng bansa.
Senate PRIB / Released

MANILA, Philippines — Isang pagkakamali ang ginawang pagbili ng ­gobyerno ng mga missiles na nagkakahalaga ng nasa P18 bilyon sa halip na mga barko na magbabantay sa mga karagatan na sakop ng bansa, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel.

Naniniwala si Pimentel na hindi dapat binuhusan ng pondo ang pagbili ng missiles na hindi naman basta-basta magagamit ng bansa.

Sampung missiles aniya ang binili ng gobyerno pero duda si Pimentel kung magagamit ang kahit isa rito.

Kung ibinuhos aniya ang pondo sa pagbili ng barko ay baka natapatan pa ng Pilipinas ang dami ng barko ng China na nakatambay sa karagatan na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Hindi rin pabor si Pimentel sa planong pagbili ng submarine dahil ang girian ng Pilipinas at China ay nasa ibabaw ng dagat.

“Sana ‘yung mga ganyang spending natin strategic spending tayo, surface vessel tayo, magagamit natin ‘yan kahit sa disaster relief, pandeliber sa lugar kung saan may bagyo o lindol, ang submarine o missile ‘di mo magagamit. Puro japorms eh ‘wag tayo magjaporms praktikal tayo. Maging praktikal tayo, ang daming bansang sumusuporta sa atin tapos may proposal na bumili kayo sa amin ng mga gamit na pang giyera. Ewan ko paano decision making natin. Kung kumikita ang bansa ‘wag natin itapon ang kita sa missile gamitin natin sa mas praktikal na bagay,” ani Pimentel.

vuukle comment

AQUILINO “KOKO” PIMENTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with