^

Bansa

VP Sara pabor sa drug test sa government officials

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
VP Sara pabor sa drug test sa government officials
This photo shows Vice President Sara Duterte at the Office of the Vice President's first Pride Reception event, June 15, 2023.
Facebook / Inday Sara Duterte

MANILA, Philippines — Suportado ni Vice President Sara Duterte ang panukala ng kanyang kapatid na si Davao Rep. Paolo Duterte na gawing mandatory ang pagsasagawa ng random drug tests sa lahat ng elected at appointed government officials sa bansa, kabilang na ang Pangulo.

Sa isang ambush interview nitong Huwebes, sinabi ni Duterte na pabor siya dito upang matiyak na ang lahat ng public officials ng bansa ay nasa tamang pag-iisip, kasama na umano siya.

Ayon pa kay Duterte, pumayag na rin siya sa hi­ling ng ilang indibidwal na sumailalim siya sa drug test.

Sa ngayon ay inaayos na aniya ng kanyang kampo kung paano ito maisasagawa.

“Nababasa ko na yung panawagan ng mga tao at aayusin na lang natin kung kelan yun. Dapat may third party na kasali doon sa testing at hindi lang isa ang laboratory para sure tayong naba-validate yung results. Gawin natin yung drug test,” aniya pa.

Matatandaang sa ilalim ng House Bill 10744, na inihain ni Cong. Duterte, isasagawa ang random drug test gamit ang sample ng hair follicle ng opisyal ng pamahalaan.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with