^

Bansa

Balik-eskwela ng 979 iskul kanselado - DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Balik-eskwela ng 979 iskul kanselado - DepEd
hree days after the onslaught of #CarinaPH and the southwest monsoon, classrooms in Malanday National High School in Marikina City are still covered in thick mud on July 17, 2024
STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Umaabot sa kabuuang 979 pampublikong paaralan sa bansa ang hindi muna magbubukas ng klase ngayong Lunes, Hulyo 29, dahil sa epekto ng pananalasa ng bagyong Carina at habagat kama­kailan.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara, nagpasya silang ipagpaliban muna ang pasok sa eskwela ng mga naturang paaralan upang mabigyan ang mga ito ng sapat na panahon na makapaglinis at maisailalim sa rehabilitasyon.

“Dahil sa paglilinis at rehabilitasyon ng ilang public schools na apektado ng Super Typhoon Carina, ipinagpaliban ng DepEd Central Office ang pagbubukas ng klase ng 979 public schools ngayong Lunes, July 29, 2024,” pahayag pa ni Angara.

Sa inilabas na abiso ng DepEd kahapon, hanggang 2:30 pm ng Hulyo 28, nasa 979 na ang mga paaralan na hindi muna magbubukas ng klase ngayong araw.

Ito ay pagbaba mula sa 1,063 na unang naitala ng DepEd hanggang 8:00 pm ng Hulyo 27.

Pinakamaraming public schools na hindi muna magbabalik-eskwela sa Region 3, na nasa 452.

Sumunod rito ang Region 1, na may 231 paaralan at National Capital Region (NCR) na nasa 225.

Sa Region 4A, may 67 paaralan ang hindi rin muna magbubukas sa Lunes habang apat sa Region 12.

Hindi tinukoy ng DepEd ang petsa kung kailan magbubukas ang klase sa mga naturang paaralan.

Una nang sinabi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. noong Biyernes na tuloy ang July 29 opening of classes sa bansa. Maliban na lamang aniya ito sa mga lugar na matinding nasa­lanta ng bagyong Carina at Habagat.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with