^

Bansa

Hospital tube na may HIV itinapon sa dagat, fake news – BFAR

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Hospital tube na may HIV itinapon sa dagat, fake news � BFAR
Ito ang sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na taliwas sa kumalat sa social media na may panganib sa kalusugan ang mga nahuhuling isda matapos ang umano’y pagtatapon ng mga medical waste.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — “Isdang nahuhuli sa dagat ligtas kainin.”

Ito ang sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na taliwas sa kumalat sa social media na may panganib sa kalusugan ang mga nahuhuling isda matapos ang umano’y pagtatapon ng mga medical waste.

Ayon sa BFAR, fake news ang lumabas sa social media na dapat na itinatama.

Sa dagat nanggagaling ang mga isdang ibinebenta sa palengke at kinakain ng publiko.

Kumalat sa social media na tinatapon ang mga medical waste sa dagat kabilang ang tube na ginamit sa isang tao na posibleng human immunodeficiency virus (HIV).

Sa isang mensahe na kumalat online, sinabi nito na dahil sa insidente, 372 katao ang namatay sa Cagayan de Oro, 24 sa Iligan, 18 sa Gingoog at Valencia, at 11 sa Opol.

“The Department of Agriculture–Bureau of Fishe­ries and Aquatic Resources strongly counters this claim, as the information is NOT TRUE,” nakasaad sa pahayag ng ahensiya.

Apela ng BFAR sa publiko maging maingat at mapagmasid at iberipika ang impormasyon bago ikalat sa social media.

vuukle comment

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with