^

Bansa

Gamot sa lepto, tetano ipapalibre sa PhilHealth

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Gamot sa lepto, tetano ipapalibre sa PhilHealth
Ayon kay Cong. Tulfo, malaking ginhawa ito sa mga pasyente lalo pa’t kung biktima sila ng kala­midad sa kanilang lugar.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Isusulong ni Cong. Erwin Tulfo at ng mga kasamahan niya sa ACT-CIS Partylist ngayong linggo na sagutin na ng PhilHealth ang pagpapagamot laban sa leptospirosis at tetano ng mga pasyente na biktima ng mga kalamidad tulad ng bagyo, baha at sunog.

Ayon kay Cong. Tulfo, malaking ginhawa ito sa mga pasyente lalo pa’t kung biktima sila ng kala­midad sa kanilang lugar.

Aniya, “wala na nga makain dahil sa bagyo o pagbaha o naubos ang gamit dahil sa sunog tapos tatamaan pa ng leptospirosis o tetano…paano pa magpapagamot ngayon”?

Isa pang problema anya na tila nakakaligtaan ng pamahalaan ay ang pagpapagamot ng libre sa mga biktima o mga residente na tinamaan ng sakit sa paghupa ng kalamidad.

“Naka-focus kasi ang effort natin during the typhoon o sunog, which is tama naman, pero when the water subsides and the smoke is clear…bahala na ang mga biktima sa pagpapagamot sa sarili o kapamilya nila,” dagdag pa ng Deputy Majority Leader.

Panukala ni Tulfo na sagutin ng PhilHealth ang pagpapaospital sa mga tinamaan ng leptospirosis o tetano dahil sa pagbaha sa kanilang lugar.

“Walang gustong tamaan ng nakamamatay na leptospirosis o tetano, pero ang problema biktima na nga siya ng kalamidad, poproblemahin pa niya ang pagpapagamot,” pahabol ni Tulfo.

vuukle comment

ERWIN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with