^

Bansa

Senate probe sa malawakang baha sa NCR, karatig lalawigan inilarga

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon sa Martes ang Public Works Committee ng Senado tungkol sa nangyaring malawakang pagbaha sa Metro Manila at sa mga karatig lalawigan.

Ayon kay Sen. Grace Poe, bilang chairman ng Senate Committee on Finance ay dadalo siya sa pagdinig upang kuwestyunin kung saan napunta ang bilyun-bilyong pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nauna nang sinabi ni Poe na sa darating na budget hearing ay dadaan sa butas ng karayom ang pondo para sa mga flood control projects.

“So sabi ko nga, gaya ng nabanggit nyo, talagang daraan sa butas ng kara­yom ang pagsusuri nitong mga flood control projects na ito sapagkat  hindi naman ito tama sa ating mga kababayan na naantala ang kanilang pamumuhay, trabaho, kaligtasan dahil sa kapabayaan o dahil siguro sa mga ginagawang kalokohan ng iba kaya hindi naiimplementa itong prog­rama ng tama,” ani Poe.

Ipinaalala ni Poe na napakalaking pera ang ginagastos ng gobyerno sa mga proyektong may kinalaman sa flood control na umaabot na sa P244 bilyon.

Kung kuluwentahin aniya ay nasa P670 milyon kada araw ang ginugugol ng DPWH para sa flood control kung saan hindi pa kasama ang pondo ng Metro Manila Development Authority.

Sinabi rin ni Poe na dapat mayroong audit na ginagawa ang Commission on Audit sa mga proyekto ng DPWH.

vuukle comment

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with