^

Bansa

17 Pinoy na hawak ng Houthi ligtas sa pag-atake ng Israel

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado na ligtas ang 17 Filipino seafarers na binihag ng mga Houthis sa Yemen mula sa pinakahuling pag-atake ng Israeli laban sa grupo.

Sa pamamagitan ng kanyang post sa X, sinabi ni Marcos na natutuwa siyang ibalita na hindi naapektuhan ang 17 Filipino seafarers na nasa kustodiya ng Houthi.

Sinabi rin ni Marcos na ang balita ay ipinarating ng embahada ng Pilipinas sa Riyadh.

‘’I am gratified to inform the nation that none of our 17 seafarers currently in the custody of the Houthis were affected by the recent Israeli attack on the port of Hodeidah, Yemen. Our Embassy in Riyadh reports that they are all safe,’’ ani Marcos sa X.

Tiniyak din ni Marcos sa mga mahal sa buhay ng mga marino na hindi sila pinababayaan ng gobyerno.

Ginagawa rin aniya ng gobyerno ang lahat para ligtas na maiuwi sa bansa ang mga seafarers.

Napaulat na sinalakay ng mga fighter jet ng Israel ang mga military targets sa Houthi malapit sa daungan ng Hodeidah ng Yemen noong Hulyo 20, na ikinasawi ng hindi bababa sa tatlong tao at nasugatan ang 87.

Halos siyam na buwan nang na-hostage ng mga rebeldeng Houthi mula sa Yemen ang 17 Pinoy seafarers mula nang ma-hijack ang kanilang cargo ship sa Red Sea noong Nobyembre noong nakaraang taon.

Iniulat na inagaw ng mga rebeldeng Houthi ang Galaxy Leader at ini-hostage ang 25 crew nito, kabilang ang mga Pilipino, bilang pagganti sa mga pag-atake ng Israel sa Gaza.

Matatandaan na sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Cacdac na ang gobyerno, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs, ay nakikipagtulungan sa mga dayuhang pamahalaan upang matiyak ang pagpapalaya sa 17 Pilipino.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with