^

Bansa

Flood control budget bubusisiin ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinag-utos na ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbusisi ng Kamara sa masterplan para sa flood control hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Ayon kay Speaker Romualdez, “gagamitin namin ang oversight function ng kongreso para alamin kung napupunta ba talaga ang pera na inilalaan natin taun-taon para sa flood control.”

“Gusto rin nating malaman, base na rin sa ating nakita noong kasagsagan ng bagyong Carina at habagat, kung tama o epektibo pa ba ang masterplan ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtugon sa mga baha,” anang House Leader.

Base sa datos ng House of Representatives, umabot sa P255 bilyon ang inilaan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa flood control noong nakaraang taon.

Aniya, “may nakalatag na masterplan ang DPWH hinggil sa mga pagbaha. Pero ang tanong natin ngayon, bakit tila hindi naging effective nitong kasagsagan ng Carina at habagat”.

“So with this inquiry aalamin natin kung yang masterplan na yan ay effective pa ba o hindi na,” ayon kay Romualdez.

Dagdag pa niya, “we also would like to find out kung yung budget na inilalaan natin para dyan ay napupunta talaga dyan o hindi.”

vuukle comment

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with