^

Bansa

Bahay ng ex-government official ni-raid: 2 Chinese sa POGO arestado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bahay ng ex-government official ni-raid: 2 Chinese sa POGO arestado
Isang babae at isang lalaki ang hawak na nga­yon ng BI matapos salakayin ng pinagsanib na puwersa ng BI at PAOCC ang isang malaking bahay sa isang subdivision sa Tuba, Benguet.
Philstar.com / Jovannie Lamba

MANILA, Philippines — Ni-raid ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) at Bureau of Immigration (BI) ang bahay ng isang da­ting opisyal ng gobyerno, kung saan dalawang Chinese nationals na aniya ay may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang naaresto.

Isang babae at isang lalaki ang hawak na nga­yon ng BI matapos salakayin ng pinagsanib na puwersa ng BI at PAOCC ang isang malaking bahay sa isang subdivision sa Tuba, Benguet.

Sa inisyal na impormasyon ni BI spokesperson Dana Sandoval, nahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Immigration law, matapos walang maipakitang mga kaukulang dokumento ng kanilang pananatili rito sa PIlipinas.

Sinabi naman ni PAOCC executive director Usec. Gilbert Cruz, na nakatanggap sila ng tip na nagtuturo sa dalawang Chinese nationals na sinasabing may kaugnayan pa rin sa operasyon ng POGO na nagtatago sa tinutukoy na bahay.

Sa ngayon ani Cruz patuloy nilang biniberipika kung sino ang may-ari ng bahay, subalit sa inisyal nilang impormasyon ang may-ari nito ay dating opisyal ng gobyerno.

Ayon kay cruz, posibleng itinatago sa bahay ang dalawang Chinese nationals o kaya ay pina­rerentahan sa mga ito.

Samantala, sinabi naman ni Sandoval na hawak na ng kanilang mga tauhan ang dalawang Chinese nationals at dadalhin ang mga ito rito sa kanilang tanggapan sa Maynila for booking procedures.

vuukle comment

ARRESTED

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with