^

Bansa

Langis sa lumubog na tanker sa Bataan tumagas na — PCG

Ludy Bermudo, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Langis sa lumubog na tanker sa Bataan tumagas na � PCG
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), may “minimal leak” o “manageable” pa ang dami ng tumagas na langis at hindi pa nakakaalarma ang sitwasyon, pero dapat nang maagapan upang hindi na kumalat pa.
Philippine Coast Guard / Facebook page

MANILA, Philippines — Tumagas na ang langis mula sa motor tanker na Terra Nova na nay lulang 1.4 milyong litro ng industrial fuel na lumubog sa Bataan nitong Huwebes.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), may “minimal leak” o “manageable” pa ang dami ng tumagas na langis at hindi pa nakakaalarma ang sitwasyon, pero dapat nang maagapan upang hindi na kumalat pa.

Ngayong araw ay sisimulan na ang siphoning na aabutin umano ng pitong araw, ani PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo.

Ang MT Terra Nova na patungong Iloilo ay tumaob sa layong 3.6 nautical miles sa silangan ng bayan ng Limay, Bataan bandang 1:10 ng madaling araw Huwebes, na naging sanhi ng pagkamatay ng isang tripulante.

Ang oil spill ay pinangangambahang makaapekto sa katubigan at coastline areas ng Bulacan, Cavite, at Pampanga, ayon naman kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga.

“We are on the lookout now for the possible contamination that could happen in the wetlands and the coastline areas not just of Bataan, but we are also looking at Bulacan, and we are also looking at Pampanga, possibly Cavite because of Corregidor,” ani Yulo-Loyzaga.

Iniharap din ni Yulo-Loyzaga ang imahe mula sa Philippine Satellite Agency ng oil spill na kumalat na patungong Bulacan.

“As we see from this image it has spread quite quickly towards the Bulacan area,” saad pa ng Environment chief.

Ipinag-utos naman na ni Pangulong Marcos sa mga pamahalaang panlalawigan na posibleng maapektuhan na maglagay ng mga organic spill boom sa mga coastal areas upang maiwasan ang pagkalat ng oil spill.

Ayon sa PCG, pinanawagan nila na suspindihin muna ang pangingisda sa katubigang malapit sa lumubog na tanker.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with