^

Bansa

Pangulong Marcos pinakilos mga ahensiya vs ‘Carina’, habagat

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinakikilos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para tulungan ang mga naapektuhan ng bagyo at habagat sa buong bansa.

Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na naglaan ang pamahalaan ng P2.88 bilyon halaga ng ayuda para sa mga naapektuhan ng Bagyong Carina at Habagat. Mayroong 4,500 personnel ang standby para sa search and retrieval operations.

Inatasan din ng Pangulon ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno na magbigay muna ng babala sa mga residente bago magpakawala ng tubig sa mga dams para maiwasan ang mga aksidente at pagkawala ng buhay.

Ipinag-utos na rin niya na unahing tulungan ang mga isolated areas.

Ayon sa DSWD, nasa 45,328 pamilya sa 225 barangays sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, 5, 6, 7, NCR at CAR ang apektado ng bagyo.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with