^

Bansa

‘West Philippine Sea, atin ito’ — Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�West Philippine Sea, atin ito� � Pangulong Marcos
President Ferdinand Marcos Jr. delivers his third State of the Nation Address (SONA) on Monday, July 22, 2024 during the joint session of the 19th Congress at the Plenary Hall of Batasang Pambansa in Quezon City.
Photo by KJ Rosales/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — “Ang West Philippine Sea ay hindi isang kathang-isip natin lamang. Ito ay atin. At ito ay mananatiling atin, hangga’t nag-aalab ang diwa ng ating mahal na bansang Pilipinas”.

Ito ang iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa kahapon.

Sinabi ng Pangulo na sa gitna ng mga kinakaharap na territorial sovereignty, ay patuloy na igiginiit ng gobyerno ang karapatan at interes ng bansa.

Sa pamamagitan aniya ng diplomatic channels at mekanismo sa ilalim ng rules-based international order ay nanatiling tanging katanggap tanggap na pa­raan para matapos ang mga hindi pagkakaunawaan.

Patuloy rin aniya ang pamahalaan sa paghanap ng paraan para mabawasan ang tensyon sa pinag-­aagawang teritoryo na hindi nakokompromiso ang kanyang posisyon at prinsipyo.

“The Philippines cannot yield. The Philippines cannot waver,” giit pa ng Pangulo.

Sa ngayon ayon pa sa Pangulo, nagkakaroon na ng kamalayan ang mga filipino sa pagbabantay sa ating aerial at maritime domain, kaya patuloy ang pagpapalakas ng ating depensa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga bansang may katulad na mithiin.

Ang batas din aniya sa Maritime Zones at Archipelagic Sea  Lanes ang magsisiguro sa mandato nito ay magtatatag sa mga puso at isipan ng mga mamamayan.

Sa huli ay nagpasalamat ang pangulo sa buong Sandatahang Lakas, sa Coast Guard at sa mga mangi­ngisda sa West Philippine Sea (WPS).

Naghiyawan naman ang mga bisita sa plenaryo ng Kamara dahil sa na­ging pahayag ng Pangulo at umani ng standing ovation.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with