EDSA-Santolan Flyover, pansamantalang isasara
MANILA, Philippines — Inianunsiyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pansamantala nilang isasara ang EDSA-Santolan Flyover mula Hulyo 19-22, at Hulyo 26-29.
Sa abiso ng DPWH, sinabi nito na magsasagawa sila ng overlaying sa EDSA-Santolan Flyover Northbound (lane by lane) na may aspalto sa nabanggit na mga petsa.
“The removal of existing asphalt pavement by rotomilling shall be done first, lane by lane, until the full width of the pavement is completed. After the rotomilling is completed, asphalt overlay of the rotomilled section will follow. The same procedure will be applied to the remaining area subject to repair,” bahagi ng advisory.
Sinimulan ang repair mula 11:00 pm ng Biyernes.
Muli namang bubuksan ang flyover ganap na 5:00 am ng Lunes.
Anito pa, ang lahat ng repair activities ay isasagawa sa tuwing gabi lamang upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa apektadong lugar.
Pinayuhan naman ng DPWH ang ahensiya na humanap ng alternatibong ruta upang makaiwas sa posibleng abala.
- Latest