^

Bansa

Kumpiyansa ng mga pasahero sa motorcycle taxi, tumaas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumataas na ang kumpiyansa ng mga pasahero sa pagsakay sa motorcycle taxi (MC Taxi) dahil huwarang halimbawa ang Angkas.

Ayon sa ulat ng WR Numero, nasa 48 porsyento­ sa mga Filipino participants ang nakakikilala sa brand ng Angkas habang 45 porsyento naman ang guma­gamit na ngayon ng habal-habal bilang uri ng transportasyon.

Nasa 14 porsyento ang naiulat na regular na guma­gamit ng Angkas habang 11 porsyento ang nagsabi na dalawa hanggang apat na beses silang suma­sakay sa loob ng isang linggo.

Ayon pa sa WR Numero, 58 porsyento sa mga Filipino ang nagsabi na “agree with or strongly support” na gawing legal ang habal-habal.

Nasa 78 porsyento naman sa mga Filipinos ang nagsabi na dapat na mayroong advocate o taga­pagsulong sa Kongreso para gawing regular na ang MC taxis sa Pilipinas.

Taong 2016 nang magsimula ang operasyon ng Angkas sa pamumuno ni co-founder at CEO George Royeca, kung saan inuna nito ang safety training sa mga riders. 

Ayon kay Royeca, ang kaligtasan ng mga pasahero ang pangunahing prayoridad ng kompanya. 

Nasa 99.997 porsyento ang safety record ng Angkas. Ito rin ang naging basehan ng Department of Transportation (DOTr) para sa pagbuo ng technical working group (TWG) para sa pilot study.

Dahil sa dedikasyon ni Royeca sa adbokasiya, patuloy na tumataas ang tiwala ng mga pasahero sa dating habal-habal. Isang matibay na pamu­muno para sa mga MCs ang ginagawa nito nationwide.

MOTORCYCLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with