^

Bansa

P300K bayad ng Chinese national kapalit ng Philippine birth certificate

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P300K bayad ng Chinese national kapalit ng Philippine birth certificate
“Last Saturday may nakausap ako sa Chinese community na sinabi nila sa akin na ang running price pala para makakuha ng birth certificate, kasama na passport, kasama na ang driver’s license is P300,000,” ani Sen. Sherwin Gatchalian sa isang virtual interview.
The STAR / Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Isiniwalat ni Sen. Sherwin Gatchalian na umaabot sa P300,000 ang ibinabayad ng mga Chinese nationals na nagnanais makakuha ng legal o valid Philippine birth certificate.

Kasama na umano sa P300,000 ang bayad para sa pasaporte at driver’s license.

“Last Saturday may nakausap ako sa Chinese community na sinabi nila sa akin na ang running price pala para makakuha ng birth certificate, kasama na passport, kasama na ang driver’s license is P300,000,” ani Gatchalian sa isang virtual interview.

“May naglalakad, magbibigay ka ng P300,000, bibigyan ka ng birth certificate, bibigyan ka passport, bibigyan ka ng driver’s license at iba pa. Yun nari­nig ko, apparently meron ganyang modus,” dagdag ni Gatchalian.

Nauna rito ibunyag ng National Bureau of Investigation (NBI) na nasa 200 palsipikadong birth certificates ang naisyu sa mga Chinese ­nationals mula 2018 hanggang 2019 sa Santa Cruz, Davao del Sur.

Ikinabahala ni Gatcha­lian ang natuklasan lalo pa’t nabunyag na nahalal sa puwesto bilang mayor ang diumano’y Chinese national na si Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Maliwanag anya na may sindikatong aktibong gumagalaw para sa pag-isyu ng valid na Philippine documents sa mga Chinese. Posible rin aniyang may ilang tiwalang indibidwal sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa local government ng Santa Cruz ang sangkot sa iligal na gawain na ito.

vuukle comment

SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with