^

Bansa

Bilyong piso pumasok sa bank account ni Guo mula 2019-2022

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bilyong piso pumasok sa bank account ni Guo mula 2019-2022
Sen. Risa Hontiveros resumes the probe on Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo’s alleged involvement in illegal Philippine offshore gaming operations on May 22, 2024.
The STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Bilyun-bilyong piso ang pumasok sa bank account ni suspendidong Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa loob ng tatlong taon o mula 2019 hanggang 2022.

Ginawa ni Sen. Sherwin Gatchalian ang rebelasyon matapos ihayag ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na ipinag-utos ng Court of Appeals ang pag-freeze sa bank accounts at assets ni Guo at iba pang indibidwal na diumano’y sangkot sa iligal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Pero hindi naman binanggit kung magkano ang kabuuang halaga ng pumasok sa accounts ni Guo.

Kabilang sa pina-freeze ng CA ang 36 bank accounts ni Guo, 12 land holdings, 12 mga sasakyan at isang helicopter.

Hindi binanggit ni Gatchalian kung galing sa China ang malaking bahagi ng perang pumasok sa bank account ni Guo.

“Dito makikita na ang pera na nanggagaling sa iba’t-ibang lugar pumapasok sa account ni Alice Guo in the amounts of billions tapos lumalabas ‘to sa iba’t-ibang individuals at corporations, particularly dito sa pagpapatayo ng POGO hub sa Bamban,” saad ni Gatchalian.

Tiniyak ni Gatchalian na may pananagutan din ang mga bangko dahil malaki ang kanilang pagkukulang sa hindi pagre-report ng mga kahina-hinalang tsansaksiyon.

Inilutang din ni Gatchalian ang posibleng may sabwatan kaya hindi agad ito naireport sa AMLC.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with