^

Bansa

Bong Go naghatid ng tulong sa mga nasunugan sa Maynila

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na nagbigay ng karagdagang tulong si Sen. Christopher “Bong” Go sa mga biktima ng sunog kama­kailan sa Barangay 330, Sta. Cruz, Maynila.

Nangako ang senador na patuloy na tutulong sa mga nasunugan para mapabilis ang kanilang pagrekober.

Idinaos sa Antonio Regidor Elementary School, ang mga apektadong pamilya ay tumanggap ng grocery packs, lalagyan ng tubig, meryenda, bitamina, mask, kamiseta, at bola para sa basketball at volleyball mula kay Go at sa kanyang Malasakit Team.

Nakatanggap ang mga piling benepisyaryo ng sapatos, relo, bisikleta, at mobile phone.

Samantala, ang National Housing Authority ay nagbigay ng tulong upang bumili ng mga mahahalagang materyales tulad ng mga pako at mga yero sa bubong upang muling makapagtayo ng kanilang mga tahanan.

Si Go ay aktibong sumuporta at patuloy na nagsusulong ng programang ito upang matiyak ang pagbangon mula sa mga trahedya ng mga nasunugan.

“Mahirap pong masunugan. Masakit masunugan. Tinatanong ko una, mayroon bang nasaktan o namatay? Dahil tandaan po natin ang gamit po nabibili. Ang damit po nalalabhan. Ang pera po’y kikitain. Pero ang perang kikitain ay hindi nabibili ang buhay. Pasalamat tayo buhay po tayo at magtulungan lang po tayo,” hikayat ni Go.

Dahil dito kaya inihain ni Go ang Senate Bill No. 192 na nagmumungkahi ng Rental Housing Subsidy Program upang suportahan ang mga biktima ng kalamidad.

vuukle comment

CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with