Senior citizen commission chief pinagbibitiw
MANILA, Philippines — Dismayado rin si Senior Citizen Partylist Rep. Rodolfo Ompong Ordanes sa mga ibinunyag ng limang komisyuner ng National Commission of Senior Citizen (NCSC) na katiwalian na sinasabing kinasasangkutan ng kanilang pinuno na si Chairman Franklin Quijano.
Dahil dito, nananawagan si Ordanes sa gobyerno na tanggalin sa posisyon si Quijano at sampahan ng kaukulang kaso sa Ombudsman.
Una rito, naglabas ng manifesto sina Commissioners Ricardo G. Rainier, Enriqueta R. Rodeles, Dr. Mary Jean P. Loreche, Reymar Mansilungan, at Edwin G. Espejo at inakusahan si Quijano ng iba’t ibang iregularidad.
Kabilang dito ang pag-bypass sa NCSC bilang ollegial body, 11 acts ng grave abuse of authority, four acts ng gross misconduct, nine acts ng gross negligence of duty, two acts ng ignorance of the law, at conduct inimical to the interest of the public.
Ang ilan sa mga akusasyon ay ibinatay sa findings ng House joint committee report.
“Sadly, many of their findings, which called for reforms and corrections, are continuously being ignored by the Chair. Worse, he is repeatedly committing acts deemed by the House of Representatives as illegal, improper and whimsical,” pahayag ng limang NCSC Commissioners.
Iginiit ng mga komisyuner na nararapat nang magbitiw sa pwesto ang kanilang chairman para sa kapakanan ng 12 milyong senior citizen sa bansa.
- Latest