^

Bansa

Mayor Guo sinalag ‘conspiracy’ sa POGO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mayor Guo sinalag âconspiracyâ sa POGO
Bamban Mayor Alice Guo attends a Senate hearing on alleged human trafficking and POGO operations on May 22.
Jesse Bustos

Matapos kasuhan sa DOJ

MANILA, Philippines — Nanindigan si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na wala itong koneksyon sa anumang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) operations sa bansa kaya maling tawagin itong “conspirator” nang walang matibay na ebidensya.

Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Guo bilang reaksyon sa kasong Anti-Trafficking in Persons na isinampa laban sa kanya sa Department of Justice (DOJ) ng Phi­lippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Giit ni Mayor Guo, ang pagkakaroon lamang ng koneksyon sa mga kum­panya o indibidwal ay hindi sapat na batayan upang tawagin ang isang tao na kasabwat.

Inihayag ng alkalde na ang mga ganitong akusasyon ay kailangang masuportahan ng sapat na ebidensya.

“Ang pagiging cons­pirator ay may legal na batayan sa ating bayas. Ang pagkakaroon ng koneksyon sa mga kum­panya o indibidwal, lalo na kung hindi malinaw, ay hindi sapat upang iugnay ang isang tao sa kaso, partikular na sa kaso ng Human Trafficking,” sabi ni Mayor Guo.

Binanggit niya na wala siyang anumang kaugnayan o pakikibahagi sa Zunn Yuan Technology, Inc. o anumang POGO sa bansa.

Kahit na hindi pa natatanggap ang kopya ng pormal na reklamo, nananatiling kumpiyansa si Mayor Guo na walang sapat na ebidensya na mag-uugnay sa kanya sa mga paratang.

Ipinahayag niya ang kanyang pangamba na ang mga paratang ay maagang inilabas sa publiko bago pa man ipakita ang anumang kongkretong ebidensya.

Aniya, tila niluto muna sa publiko at sa media ang mga alegasyon bago ito isinampa laban sa kanya.

Ayon naman kay DOJ Usec. Nicholas Ty na namumuno rin sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), nakakalap sila ng sapat na ebidensiya para ireklamo ang alkalde at mga kasabawat nito kung saan magkakaroon pa ng pagkakataon ang kampo ni Guo para sagutin ang inihaing reklamo.

Sa ngayon, pinoproseso na umano ang pagsasailalim kay Guo sa Immigration Lookout Bulletin o ILBO nang sa gayon ay mamonitor ang mga galaw.

Bukod kay Guo, kasama rin sa inireklamo si Dennis Cunanan na siyang representative ng ni-raid na Zun Yuan Technology sa Bamban at 13 indibidwal pa kaugnay ng operasyon ng POGO.

DOJ

NICHOLAS

TY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with