Pondo sa infra projects, ilabas na – DPWH
MANILA, Philippines — Hinikayat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Kongreso na gawing prayoridad ang paglalabas ng pondo para sa konstruksiyon ng malalaking ticket infrastructure projects upang matiyak ang agarang implementasyon ng mga programa at proyekto para sa mas mabilis na economic development nationwide.
Ayon kay DPWH Senior Undersecretary Emil K. Sadain, ang infrastructure development ay isa sa priority areas ng administrasyong Marcos at nangakong ipatutupad ang mga significant at vital infrastructure projects, gaya ng konstruksiyon ng mga bagong kalsada, paaralan, at pagamutan, at proteksiyon at pagsusulong ng kapakanan ng mahihirap at marginalized sectors, at iba pa.
Ang kasalukuyang konstruksiyon ng 15 foreign assisted Infrastructure Flagship Projects (IFPs) na ipinatutupad ng departamento ay nananatiling ‘on track,’ para sa completion nito sa pagtatapos ng taong 2024 at 2025, habang ang implementasyon para sa Detailed Engineering Design (DED) ng iba pang big ticket projects ay nakatakda na ring magtapos sa susunod na taon.
Sinabi rin ng DPWH executive na ang implementasyon ng ilang infrastructure projects sa bansa ay lilikha ng libu-libong trabaho.
Kabilang sa mga on-going projects sa ilalim ng DPWH na nagkakahalaga ng P4.84 trilyon ay inaasahang makukumpleto bago matapos ang 2024 at kalagitnaan ng 2025, habang ang iba pang 27 mega projects na nagkakahalaga ng P869.69 bilyon ay nasa pipeline na rin at inaasahang higit pang magpapalakas ng ekonomiya sa mga darating na taon.
- Latest