Sexual content sa X tanggalin, lumabag sa batas ng Pinas – solon
MANILA, Philippines — Dahilan sa paglabag sa batas ng Pilipinas, inirekomenda ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas na magpetisyon sa National Telecommunications Communications (NTC) upang ipatanggal ang nilalamang sexual sa social media platform na X, dating Twitter.
Ito’y matapos i-update ni Elon Musk, owner ng X, ang panuntunan nito para opisyal nang payagan ang adult at graphic na nilalaman ng platform. Ang adult content at paghu-hubo’t hubad ay dati ng pinapahintulutan sa Twitter sa loob ng maraming taon.
Nitong linggo ay nagpalabas ng panuntunan ang X na sinasabing anumang sekswal, visual man o sinulat ay maaring maging lehitimong pamamaraan ng artistikong pagpapahayag.
Ang bagong panuntunan ay unang nai-report sa Tech Crunch noong Lunes na nagpapahintulot naman sa mga users na i-share ang naturang adult content kung may pahintulot na maiprodyus at maipamahagi ang ‘adult nudity’ o ‘sexual behavior’.
Ayon kay Brosas, maaring hindi alam ni Elon Musk ang batas sa Pilipinas sa cybercrime, sexually explicit content at OSAEC (Online Sexual Abuse And Exploitation of Children).
“This policy makes it easier for all kinds of prostitutes and sex offenders to find customers, prey, and unwitting victims. The implementors of the laws I cited should adjust and mount countermeasures to the policy of X and its effects”, punto ni Brosas.
- Latest


















