^

Bansa

14-anyos patay sa Misamis Oriental dahil sa Typhoon 'Aghon'

James Relativo - Philstar.com
14-anyos patay sa Misamis Oriental dahil sa Typhoon 'Aghon'
In this handout photo taken on May 26, 2024 and released on May 27, 2024 by the Philippine Coast Guard, a woman is evacuated from a flooded home by coast guard personnel in Lucena, Quezon Province, amid heavy rain brought by tropical storm Ewiniar. A severe storm battered the Philippines' most populous island on May 26, dumping heavy rain and causing flooding that forced more than 8,000 people to flee their homes.
Released/Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Patay ang isang babae habang sugatan naman ang walo sa gitna ng pananalasa ng Typhoon Aghon, ayon sa huling taya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes.

Bahagi ang mga nabanggit sa 36,143 kataong naapektuhan ng bagyo. Kabilang diyan ang sumusunod:

  • patay: 1
  • sugatan: 8
  • lumikas: 22,040
  • nasa evacuation centers: 16,426
  • nasa labas ng evacuation centers: 5,614

Sinsabing nagmula sa Balingasag, Misamis Oriental ang 14-anyos na babaeng namatay sa kasagsagan ng bagyo dulot ng "multiple physical injuries." Dead on arrival sa ospital ang biktima.

"On 24 May 2024, around 8:35 AM, due to strong winds, a balete tree fell on a tricycle parked at the side of the road with 2 students passengers," sabi ng NDRRMC kanina.

Naitala ang pag-apaw ng mga ilog, pagbaha, pagkatumba ng puno, pagguho ng lupa at mapaminsalang buhawi dahil din sa bagyo sa mga sumusunod na rehiyon:

  • Cagayan Valley
  • Central Luzon
  • Calabarzon 
  • MIMAROPA
  • Kabikulan
  • Eastern Visayas

Wala pang datos sa ngayon ang NDRRMC pagdating sa pinsala nito sa agrikultura at imprastruktura. Gayunpaman, umabot na sa 22 kabahayan ang napinsala ng bagyo.

Namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo 315 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan 4 a.m. ngayong Martes. Tinatayang makalalabas ng Philippine area of responsibility ang typhoon sa Miyerkules.

MISAMIS ORIENTAL

NDRRMC

PAGASA

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with