^

Bansa

Pangulong Marcos: Ex-PDEA agent Morales ‘professional liar’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Ex-PDEA agent Morales �professional liar�
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and German Chancellor Olaf Scholz answered questions from the members of the media during the joint press conference at the Chancellery as part of President Marcos' working visit to Germany on March 12, 2024.
PPA Pool Photos by Yummie Dingding

MANILA, Philippines — Tinawag na “professional liar” at inihalintulad sa jukebox ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) investigation agent Jonathan Morales.

Matatandaan na si Morales ang nag-aakusa kay Pangulong Marcos at sa aktres na si Maricel Soriano na gumagamit umano ng iligal na droga, batay sa sinasabing nag-leak na dokumento noong 2012.

Sinabi ni Marcos sa isang ambush interview sa pagbisita nito sa General Santos City, sinabi niya na walang saysay ang mga pinagsasasabi ni Morales na kilalang professional liar.

Paliwanag ng Pangulo na may mga kaso itong false testimony kaya mahirap na paniwalaan lalo na at tila ang pagsisinungaling din ang kanyang ikinabubuhay.

Inihalimbawa rin ng Presidente si Morales sa isang jukebox na huhulugan ng pera para kantahin kung ano ang gusto.

“Mahirap naman bigyan ng importansya ‘yan. You know, this fellow is a professional liar at parang jukebox ‘yan. Kung anong ihulog mo --- basta maghulog ka ng pera kahit anong kantang gusto mo, kakantahin niya. Kaya wala, wala... Walang saysay. Tingnan mo na lang ang kanyang record,” ayon pa kay Marcos.

Nauna na ring sinita ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang nagpapatuloy na pagdinig sa Senado kaugnay sa ‘PDEA leaks’ at pinaalalahanan ang mga kasamahan na maging maingat lalo na kung wala namang mga matibay na ebidensya para hindi maga­mit sa pamumulitika.

“Tingnan mo na lang ang kanyang --- may kaso siya na false testimony. Iyan ganyan. Ilan bang mga... Marami siyang history na kung sino-sino sinasangkot kung saan-saan. Parang ‘yun ang --- doon siya... Iyon ang hanapbuhay yata niya, kaya professional liar ang tawag ko sa kanya,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with